^

Metro

Hulihan sa motorcycle lane sa Commonwealth, simula na sa Lunes

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hulihan sa motorcycle lane sa Commonwealth, simula na sa Lunes
Personnel of the Metropolitan Manila Development Authority direct traffic along Commonwealth Avenue in Quezon City yesterday ahead of the dry run for the implementation of the motorcycle lane on March 9,2023..
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Mula sa Lunes, Marso 27 ay sisimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA)  ang pag­huli sa mga motoristang papasok sa motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon sa MMDA, sapat na ang panahon na ibinigay ng ahensiya para maintindihan ng mga motorista ang  tungkol sa paggamit sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue.

Sa isinagawang dry run dito, mayroong 18,869  motorista ang nasita sa motorcycle lane mula  March 9 hanggang March 23.

Base sa datos ng MMDA, 4,175 sa mga nasita ay mga motorcycle riders at 14,694 naman ay pawang four-wheel vehicles mula sa Elliptical Road hanggang Doña Carmen at vice versa.

Magugunitang pinalawig ng MMDA ng isang linggo pa ang dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Ave-­ nue upang bigyan-daan ang isinasagawang road patch works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasabing kalsada at tuloy lubos na maintindihan ng mga motorista ang pagkakaroon ng naturang lane sa nabanggit na lugar.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with