^

Metro

11 milyong pamilyang Pinoy, kulang sa access sa malinis na tubig – NWRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
11 milyong pamilyang Pinoy, kulang sa access sa malinis na tubig â NWRB
“Kailangan po nating paghandaan ito at baka po ito ay makaapekto sa mga water supply natin partikular po sa mga sakahan po natin,” dagdag ni David
STAR/File

MANILA, Philippines — Inihayag ng National Water Resource Board (NWRB) na umaabot sa 11 milyong pamilyang Pinoy ang kulang sa access sa malinis na tubig kaya’t umaasa na lamang ang mga ito sa mga “unprotected” deep wells,  bukal, ilog, lawa at tubig ulan para may magamit sa pang araw-araw na buhay.

Sa public briefing, sinabi ni Dr. Sevillo David Jr,  ­executive director ng NWRB na ang naturang bilang ng mga pamilya ay wala pa ring access sa malinis na tubig kaya’t nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan kung saan karamihan sa mga ito ay posibleng magkasakit dulot ng kontaminasyon sa tubig.

Sinabi ni David na kalimitan nang usapin ang isyu sa tubig sa tuwing summer lalona ngayong may badyang epekto ang El Niño Phenomenon o panahon ng tag-tuyot.

Gayunman, sinabi nito na may sapat namang suplay ng tubig pero dapat pa ring paghandaan ang magiging epekto ng El Niño sa taumbayan.

“Kailangan po nating paghandaan ito at baka po ito ay makaapekto sa mga water supply natin partikular po sa mga sakahan po natin,” dagdag ni David

Sinabi ni David na guma­gawa na ang pamahalaan ng mga paraan upang masolosyunan ang usapin sa suplay ng tubig.

NWRB

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with