^

Metro

3 miyembro ng Tau Gamma, inirekomendang gawing state witness

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo sa 20 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity ang inirekomenda na ng National Bureau of Investigation (NBI) na gawing ‘state witness’ sa hazing at pagkamatay ng engineering student na si John Matthew Salilig.

Ito ay makaraang maki­pagtulungan na ang tatlo sa imbestigasyon na naging daan para matukoy ng NBI kung sinu-sino ang pangunahing mga sangkot sa pagkamatay at pagbaon sa labi ni Salilig sa Biñan City, Laguna.

Ayon sa NBI, bahala na umano ang Supreme Court sa pagdesisyon kung makakapasok ang tatlo sa “Witness Protection Program (WPP)” base sa kanilang mga pahayag.

Bukod sa tatlo, mayroong iba pang lumapit sa NBI para kusang magbigay ng kanilang mga nalalaman ngunit hindi pa nila inirerekomenda sa WPP.

Isa sa mga lumantad at lumapit sa NBI ay nagsabing natatakot siya sa kaniyang kaligtasan makaraang makatanggap na umano ng pagbabanta sa iba nilang miyembro na may masamang mangyayari sa kaniya kung lalabas ang totoong nangyari kay Salilig.

Sumailalim rin sa hazing ang naturang fratman at nana­nawagan na ngayon sa lahat ng fraternity na wakasan na ang anumang uri ng karahasan.

Sinabi naman ng magulang ng isa sa miyembro na tinangka ng kaniyang anak na isalba pa ang buhay ni Salilig nang bigyan niya ng CPR.

Paulit-ulit din umano niyang sinabihan ang mga kasamahan sa fraternity na dalhin sa ospital si Salilig ngunit hindi siya pinagbigyan.

Kasalukuyang nasa pa­ngangalaga ng NBI ang tatlong saksi dahil sa mga natatanggap nilang pagbabanta.

vuukle comment

NBI

TAU GAMMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with