4 na dating miyembro ng komunistang grupo, sumuko

Dakong alas- 10:00 ng umaga nang manumpa ng katapatan sa gobyerno ang apat na kinilalang sina Kathlene Ramirez, nursing attendant ; Jaime Regencia, ambulance driver; Bernardo Casila Aquino, nursing attendant; at Joemarie Esmedina Eusebio, maintenance personnel, sa  Fort Bonifacio Police Sub-station, sa  9th Avenue corner 40th St., Bonifacio Global City, Taguig City.
STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng Alliance of Filipino Wor­kers (AFW) ang sumuko at binawi ang suporta sa Communists Party  sa Southern Police District, kahapon.

Dakong alas- 10:00 ng umaga nang manumpa ng katapatan sa gobyerno ang apat na kinilalang sina Kathlene Ramirez, nursing attendant ; Jaime Regencia, ambulance driver; Bernardo Casila Aquino, nursing attendant; at Joemarie Esmedina Eusebio, maintenance personnel, sa  Fort Bonifacio Police Sub-station, sa  9th Avenue corner 40th St., Bonifacio Global City, Taguig City.

Sila ay pawang mi­yembro ng labor union na Alliance of Filipino Wor­kers (AFW) na kilala bilang sectoral personalities na nag-uudyok para mag-aklas laban sa gobyerno.

Ayon kay SPD chief, P/Brig. General Kirby John Kraft, katuwang ng Taguig City Police Substation 1, ang Special Project Team-RIU NCR at Intelligence Section ng Taguig City Police Station sa pagsagawa ng Oath of Allegiance sa pamahalaan sa apat na miyembro ng CTG sectoral group na nag-urong ng suporta sa CPP-NPA-NDF.

Show comments