4 na dating miyembro ng komunistang grupo, sumuko
MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng Alliance of Filipino Workers (AFW) ang sumuko at binawi ang suporta sa Communists Party sa Southern Police District, kahapon.
Dakong alas- 10:00 ng umaga nang manumpa ng katapatan sa gobyerno ang apat na kinilalang sina Kathlene Ramirez, nursing attendant ; Jaime Regencia, ambulance driver; Bernardo Casila Aquino, nursing attendant; at Joemarie Esmedina Eusebio, maintenance personnel, sa Fort Bonifacio Police Sub-station, sa 9th Avenue corner 40th St., Bonifacio Global City, Taguig City.
Sila ay pawang miyembro ng labor union na Alliance of Filipino Workers (AFW) na kilala bilang sectoral personalities na nag-uudyok para mag-aklas laban sa gobyerno.
Ayon kay SPD chief, P/Brig. General Kirby John Kraft, katuwang ng Taguig City Police Substation 1, ang Special Project Team-RIU NCR at Intelligence Section ng Taguig City Police Station sa pagsagawa ng Oath of Allegiance sa pamahalaan sa apat na miyembro ng CTG sectoral group na nag-urong ng suporta sa CPP-NPA-NDF.
- Latest