Kasong rape vs Vhong Navarro, ibinasura ng SC

Vhong Navarro
File

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang kasong Rape at Acts of Lasciviousness laban sa aktor at host na si Vhong Navarro na inakusahang gumahasa sa modelong si Deniece Cornejo.

Sa desisyong inilabas ng SC Third Division nitong Pebrero 8, 2023, inaprubahan ang nakasampang Petition for Review on Certiorari with Application for Issuance of a Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Injunction, Preliminary Mandatory Injunction, and Status Quo Ante Order.

Kinukuwestiyon ng naturang petisyon ang naunang desisyon ng korte noong Hulyo 21, 2022 at resolusyon ng Court of Appeals noong Setyembre 20, 2022.

“Wherefore, the petition is Granted.  The Decision dated July 21, 2022 and the Resolution dated September 20, 2022 of the Court of Appeals in a CA-G.R. SP No. 16622 are REVERSED and SET ASIDE,” ayon sa SC.

Kabilang sa mga kasong dinismis ng SC ang Rape by Sexual Intercourse na nakabinbin sa Taguig City Regional Trial Court Branch 69; at Acts of Lasciviousness na nakabinbin naman sa Taguig Metropolitan Trial Court Branch 116.

Pirmado ni SC Associate Justice Henri Jean Paul Inting ang desisyon at sinang-ayunan ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Show comments