MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Pamahalaang lungsod ng Maynila na mula sa isang dating ordinansa na ang ipatutupad nila ukol sa paniningil ng “overnight-parking fee” sa mga Manilenyo.
Ito ay makaraang maglabas ang lokal na pamahalaan ng isang memorandum sa mga opisyal ng barangay noong Pebrero 21, para sa paniningil ng parking fee sa mga sasakyan na pumaparada sa mga kalsada sa buong magdamag.
“Matagal na po siya implemented. Early 2000s. I think before Yorme Isko pa,” ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna.
Sa ilalim ng City Ordinances Nos. 8092 at 7773, kailangang kumuha ng “overnight parking permit” ang mga may-ari ng behikulo na pumaparada sa kalsada, bangketa, o anumang parte ng pampublikong lugar.
Base sa 2013 Omnibus Revenue Code, maniningil ang lokal na gobyerno sa mga: kotse/jeepneys - ?300/quarter; buses at trucks - ?450/quarter; containerized vans/trailers, per day - ?20/day; habang ang overnight application forms ay ?15.
Reklamo naman ng mga residente ng Maynila, na wrong timing umano ang muling implementasyon nito dahil sa kagagaling lang sa pandemya at mataas pa rin ang presyo ng bilihin.