^

Metro

Equity subsidy para sa PUV drivers, itinaas na sa P260K

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Para sa PUV Modernization Program

MANILA, Philippines — Itataas ng Department of Transportation (DOTr) nang hanggang P260,000 ang equity subsidy para sa mga public utility vehicles (PUV) drivers upang makabili sila ng e-jeepneys para sa PUV modernization program na isinusulong ng pamahalaan.

“Dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ang pagtaas ng ­presyo ng mga gastusin, itataas din ng Kagawaran ang equity subsidy na tinatawag to a maximum amount of P260,000,” ayon kay DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor.

Target aniya ng DOTr na mailunsad ang naturang pagtaas sa subsidy sa ikalawang bahagi ng 2023.

Binanggit pa ni Pastor na ang isang class 1 modern jeepney ay nagkakahalaga ng mula P1.4 milyon hanggang P1.8 milyon habang ang class 2 naman ay nagkakahalaga ng mula P2 milyon hanggang P2.6 milyon.

Ang Class 3 naman ay nagkakahalaga ng mula P2.5 milyon hanggang P3 milyon.

Nabatid na sa kasalukuyan, ang modernization program ay nagbibigay ng P160,000 na equity subsidy para sa bawat driver, na nais mag-shift sa modern PUV unit, bilang karagdagan ito sa halaga ng kanilang lumang PUV.

Sa kasalukuyan ay ilang transport group ang nagkakasa ng isang linggong tigil-pasada upang tutulan ang PUV modernization program.

DOTR

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with