Tigil-pasada ‘di naparalisa ang Metro Manila
MANILA, Philippines — Bigong maparalisa ng ilang transport group ang pampublikong sasakyan partikular sa Metro Manila at mga kalapit na lugar, bunsod na rin ng mabilis na pagtugon ng pamahalaan para mapagsilbihan ang mga commuters na apektado ng tigil-pasada.
Sa isang briefing na isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi ng mga opisyal na nabigo ang mga nagprotesta na magdulot ng malaking pagkagambala dahil ang transport strike ay nakakonsentra lamang sa Metro Manila at nabigong makakuha ng malaking suporta sa rehiyon.
Iniulat ng Inter-Agency Task Force monitoring team na ilang ruta lamang ang naapektuhan ng welga na ang kabuuang bilang ng mga nagpoprotesta ay hindi lalampas sa 500.
Sa oras na 1:30 ng hapon, ang EDSA Busway carousel ay gumagana nang normal, na may sapat na bilang ng mga bus na bumibiyahe sa kanilang ruta.
Noong Lunes ng tanghali sa Calabarzon, sa pangkalahatan ay mapayapa at mapapamahalaan ang sitwasyon, ayon sa mga awtoridad. Walang mga aktibidad na “tigil-pasada” na binabantayan sa mga lalawigan ng Cavite at Rizal.
Iilan lamang sa mga driver at operator ng Public Utility Jeepney (PUJ) ang sumuporta sa unang araw ng panawagan ng transport strike ng PISTON na hindi karaniwang nakakaapekto sa mga commuter.
Related video:
- Latest