^

Metro

Transport strike tagumpay - PISTON

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Transport strike tagumpay - PISTON
Members of the jeepney organization Manibela and League of Filipino Students (LFS) stage a protest rally along Commonwealth Avenue in Quezon City, in participation to the first day of the week-long nationwide jeepney strike on March 6, 2023.
Walter Bollozos / File

MANILA, Philippines — Naparalisa ng tigil- pasada ang mga ruta ng pampasaherong jeep sa Metro Manila, kahapon.

Ayon sa militant transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) alas- 10 pa lamang ng umaga kahapon ay wala ng jeep at UV express na pumasada sa ilang ruta sa Navotas hanggang Divisoria, Recto, Monumento, Malabon, Pateros-Pasig at Zapote-Paliparan, habang may  99.9 percent ang hindi pumasada sa kahabaan ng E. Rodriguez na may rutang Cubao-Quiapo, Kalaw-Project 2-3.

Ayon sa Piston, karamihan ng mga ruta ng jeep at UV express ay paralisado tulad sa ruta ng Baclaran Metrobank- 90 percent paralisado, Novaliches-Blumentritt- 80 percent paralisado, Pasay-90 percent, Palapala Imus 70 percent, Los Baños-Calamba -95 percent, Calamba - 80 percent, Cabuyao-95 percent, Antipolo at Junction Crossing-90 percent paralyze at  Cogeo-Cubao-80 percent.

Ito sa kabila ng paha­yag naman ni Engr. Joel Bolano, technical division head ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mayroon lamang na 10 percent ng mga ruta sa Metro Manila ang naapektuhan ng tigil pasada.

Anya may nailaan namang mga libreng sakay ang pamahalaan para serbisyuhan ang mga mae-stranded na pasahero.

 

Related video:

PISTON

UV EXPRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with