MANILA, Philippines — Tinatayang may 20 milyon hanggang 30 milyong litro ng tubig ang nawawala sa Makati City at Maynila matapos madiskubre ang malaking butas sa tubo na nasa Osmeña Highway corner Zobel Roxas sa Makati
Ang naturang butas ay nadiskubre matapos ang isinagawang intensive leak detention activity ng Maynilad.
Base sa initial assessment, ang leak ay mula sa 2,200mm-diameter primary line na matatagpuan sa lalim na pitong metro.
Kaya naman kinakailangan hukayin ang lugar at ilabas ang pipe upang lubusang ma-assess ang extent ng damage bago magsagawa ng repair.
Kapag nakumpuni ang nasabing pipe leak, makakatulong daw ito sa pag-improve ng water pressure sa katabing mga lugar, at magkakaroon din ng karagdagang supply sa mga customer.
Maglalabas ang Maynilad ng listahan ng mga apektadong barangay at ng kani-kanilang service interruption schedule kaugnay ng isasagawang leak repair bago ito isagawa para makapaghanda ang maaapektuhang customers.