^

Metro

‘BIDA’ fun run ng DILG, umarangkada 

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘BIDA’ fun run ng DILG, umarangkada 
Daan-daang runners mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga barangay ang nakilahok sa “BIDA Bayanihan ng Mamamayan” fun run na inorganisa ng Department of Interior and Local Go vernment sa pangunguna ni Sec. Benhur Abalos Jr. sa SM Mall of Asia complex sa Pasay City, kahapon ng madaling araw. (Kuha Miguel de Guzman)
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang “Buhay ­Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Bayanihan ng Mamamayan’ fun run na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Mall of Asia (MOA) grounds sa Pasay City.

Mismong si Interior Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang nanguna sa isang aktibidad na nilahukan ng libu-libong runners mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ayon kay Abalos, ang nasa tatlong kilometrong takbuhan ay isa sa mga istratehiya ng pamahalaan para makaani ng suporta sa programang BIDA, na isang malawakang kampanya laban sa iligal na droga.

Kumpiyansa si Abalos na makatutulong ang fun run at iba pang sports activities tungo sa pagkakaroon ng masigla at malakas na mga pamayanan.

Aniya pa, isa rin itong mabisang paraan para gamitin ng mga kabataan ang kanilang oras sa mas produktibong gawain, sa halip na malulong sa bisyo at iligal na droga.

“Isang paraan din ang BIDA Fun Run para ipakita ang suporta at pagkakaisa ng mga mamamayan sa kampanya para tuluyang wakasan ang iligal na droga,” dagdag pa niya.

Samantala, sinamantala rin naman ng pamahalaan ang naturang fun run upang makapaghatid ng “Serbisyo Caravan” sa mga mamamayan.

Ani Abalos, ang Serbisyo Caravan ay isang pambihirang pagkakataon na magkasama-sama sa isang gawain ang mga ahensya ng pamahalaan bilang suporta sa isang programa. Isa aniya itong paraan upang ipakita ang pagkakaisa at sinseridad ng mga ahensya ng ­gobyerno na paglingkuran at tugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.

MOA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with