MANILA, Philippines — Mas pinadali at pinabilis na ngayon ng Quezon City goverment ang pagbabayad ng traffic violations sa pamamagitan ng online system.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi na mahihirapan ang mga traffic violators na bayaran ang multa dahil online payment na ito ngayon.
“Mas madali at mabilis nang magbayad ng multa ngayon sa tulong ng ating online payment system na makikita sa official website ng ating siyudad. Ngayon, wala nang pwedeng idahilan ang mga violator na hindi sila makapagbayad ng multa dahil wala silang panahong magpunta ng personal sa City Hall,” pahayag ni Mayor Belmonte.
Sinabi naman ni Dexter Cardenas, OIC ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) na mahihikayat na mabayaran agad ang kanilang multa para makaiwas sa iba pang problema na maaaring idulot nito sa hinaharap,” pahayag ni Cardenas.
Para ma-avail ang programang ito ay kailangang bisitahin ang e-services portion (https://qceservices.quezoncity.gov.ph) ng QC government official website at mag register para gumawa ng account.