Bahagi ng White Plains, sarado ngayong EDSA day

MANILA, Philippines — Sarado ngayong araw (Feb. 25) ang westbound portion ng EDSA corner White Plains sa Quezon City alas-6 ng umaga bilang paggunita sa pagdiriwang ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ang pagsasara sa naturang kalsada ay para bigyang daan ang mga gagawing programa sa EDSA People Power Monument.

Mayroon ding ikakalat na mga pulis sa lugar para mangasiwa ng kaayusan ng aktibidad at traffic enforcers  para mag-ayos ng daloy ng trapiko at tumulong sakaling magkaroon ng emergency.

May ikakalat ding ambulansya sa EDSA Gate 4, EDSA White Plains, at EDSA corner Ortigas Avenue para tumugon sa panahon ng emergency.

Show comments