Pabahay ng gobyerno: ‘Wag ibenta, ‘wag paupahan - NHA
MANILA, Philippines — Binalaan ng National Housing Authority (NHA) ang mga housing beneficiaries na huwag ibenta o paupahan ang pabahay na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, maaaring malagay sa blacklist o makansela ang ibinigay na pabahay kapag ibinenta o pinaupahan.
“Those who are selling or renting out their right, you can’t repeat benefitting anymore. To our beneficiaries, I hope you will take good care of the housing units you received from the government,” pahayag ni Tai.
Payo ni Tai sa publiko, direktang makipag-ugnayan sa NHA kung nais na makakuha ng murang pabahay.
Ayon kay Tai, panahon pa ni dating NHA general manager Marcelino Escalada Jr. noong 2021 nang maglabas ng cancellation order sa mga benepisyaryo na nagbebenta o nagpapaupa ng pabahay.
Una nang nabuking ang modus na nagbabayad ang benepisyaryo ng pabahay ng P250 hanggang P500 kada buwan at pinauupahan ito sa iba sa halagang mula P3,000 hanggang P4,000 kada buwan.
- Latest