Prangkisa ng traditional jeep, extended hanggang June 30

Drivers of traditional jeepneys wait for passengers at a terminal in Manila on February 3, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Extended hanggang June 30 ang prangkisa ng mga traditional jeep.

Ito ang kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) makaraaang madesisyunan ito sa ginawang pulong ng LTFRB Board .

Ayon sa LTFRB layunin ng pagpalawig na mabigyang pagkakataon at oras ang mga operator at driver na humanap o sumali sa kooperatiba para sumailalim sa modernization program ng pamahalaan para dito.

Dapat sana ay sa susunod na buwan ng Marso mapapaso ang mga prangkisa ng traditional jeep pero iniurong ito ng Abril at pagkatapos ay iniurong muli hanggang June 30

Sa naunang pagtaya ng LTFRB nasa 60 percent pa lamang ang pumapasok sa PUV modernization program ng LTFRB.

Show comments