Prangkisa ng traditional jeep, extended hanggang June 30
MANILA, Philippines — Extended hanggang June 30 ang prangkisa ng mga traditional jeep.
Ito ang kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) makaraaang madesisyunan ito sa ginawang pulong ng LTFRB Board .
Ayon sa LTFRB layunin ng pagpalawig na mabigyang pagkakataon at oras ang mga operator at driver na humanap o sumali sa kooperatiba para sumailalim sa modernization program ng pamahalaan para dito.
Dapat sana ay sa susunod na buwan ng Marso mapapaso ang mga prangkisa ng traditional jeep pero iniurong ito ng Abril at pagkatapos ay iniurong muli hanggang June 30
Sa naunang pagtaya ng LTFRB nasa 60 percent pa lamang ang pumapasok sa PUV modernization program ng LTFRB.
- Latest