^

Metro

New Zealander pumalag sa holdap, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
New Zealander pumalag sa holdap, patay
Stock image of a gun.
Rudy and Peter Skitterians / Pixabay

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang New Zealander nang manlaban sa mga holdaper sa Makati City kamakalawa ng madaling araw.

Nakilala ang nasawing biktima na si  Nicholas Peter Stacey, 34, binata, turista mula sa New Zealand at pansamantalang nanuluyan sa Room 16 Airbedz Makati, na matatagpuan sa Boyle St., Brgy.  Palanan, Makati.

Mabilis namang tumakas ang tandem na suspects na target ngayon ng manhunt ng pulisya.

Naganap ang insidente dakong alas-12:25 ng madaling araw kamakalawa sa Filmore St., Brgy. Palanan, Makati.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Master Sgt. John Robert Baligod, isinalaysay ng nobya ng biktima na si Pamela Gaye Villonoza, 31,  na alas-11ng gabi nang dumating sila sa Airbedz Makati mula sa pamamasyal sa Palawan. 

Habang naglalakad sa Filmore St., isang Yamaha NMAX motorcycle na kulay gray/black ang huminto umano sa tabi nila kung saan bumaba ang backrider, tinutukan sila ng baril saka nagdeklara ng holdap.

Ipinarada umano ng isa pang suspek sa ‘di kalayuan ang motorsiklo habang ang biktima ay tinangkang agawin ang baril ng suspek na naging dahilan upang barilin ito.

Matapos ang pamamaril ay tinangay ng mga suspek ang cellphone ni Pamela at wallet bago humarurot sa direksiyon ng Pasay.

Isang tama ng bala sa kaliwang dibdib ang sanhi ng agarang kamatayan ng biktima.

vuukle comment

CRIME

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with