COVID-19 positivity rate, bahagyang tumaas
MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 1.7% mula sa dating 1.6% noong nakaraang linggo, ngunit nilinaw ni OCTA Research fellow, Dr. Guido David na hindi naman ito nakakabahala.
Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga nagpopositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng indibiduwal na sumailalim sa COVID-19 test.
Tiniyak ni David na nananatili pa ring low o mas mababa sa 5% na siyang benchmark ang positivity rates sa NCR at iba pang pangunahing lalawigan sa bansa.
Bukod sa NCR, kabilang sa mga naturang pangunahing lalawigan na nananatiling nasa below 5% ang positivity rates ay ang Batangas City 0.7% noong Pebrero 18, 2023; Bulacan-0.7%; Cavite -1.4%; Cebu-1.4%; Davao del Sur -3.8%; Iloilo-1.0%; Laguna -1.1%; Negros Occidental -1.8%; Pampanga -0.7% at Pangasinan -0.9%.
Samantala, tumaas naman ang positivity rate sa ilang lalawigan kabilang ang: Cebu- 1.4%, Davao del Sur- 3.8%, Iloilo- 1%, Negros Occidental- 1.8%, at Pangasinan- 0.9%.
- Latest