Taas presyo ng diesel at gasolina, lalarga ngayong martes

MANILA, Philippines — Lalarga muli ngayong Martes ang taas-presyo  sa mga produktong petrolyo.

 Ayon sa  Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Corporation na magtataas sila ng presyo ng gasolina ng may P0.90 kada litro  habang sa diesel ay magtataas ng may P1.05 at bawas naman sa presyo ng  kerosene ng may  P0.25.

Ayon sa Cleanfuel ipatutupad din nila ang naturang hakbang pero hindi kasama ang kerosene.

 Ayon sa naturang mga oil companies, ngayong alas-6 ng umaga ng martes Feb. 21 ang price adjustment sa kanilang produkto maliban sa Caltex na magpapatupad ng price adjutsment ng alas-12:01 ng madaling araw at ang Cleanfuel ay ganap na alas-4:01 ng hapon

Show comments