^

Metro

Sunog sumiklab sa Quezon City: 2 sugatan, 35 bahay tupok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa Quezon City: 2 sugatan, 35 bahay tupok
Wala nang mapapakinabangan pa matapos maabo ang nasa 35 kabahayan nang ­sumiklab ang malaking sunog na ikinasugat ng dalawang katao sa Manunggal Street, Barangay Tatalon, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang sugatan habang 35 na kabahayan ang natupok matapos na sumiklab ang malaking sunog sa residential area sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Andrie Caser, 23, isang fire volunteer, na nagtamo ng minor burn sa kanang bahagi ng leeg at si Adrian Mark Torres, 18, na nagtamo naman ng minor burn sa noo.

Batay sa ulat ng ­Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na pasado alas-9:00 ng gabi nang maganap ang sunog sa isang residential area sa Manunggal St. sa Brgy Tatalon, QC.

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa hanggang 35 kabahayan, na pawang gawa sa light materials, ang tinupok ng apoy.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago tuluyang naideklarang fire under control dakong alas-11:20 ng gabi at tuluyang naapula dakong alas-12:41 ng madaling araw kahapon.

Masusi pa namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog, at inaalam ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with