^

Metro

Alternative bus at jeep sa mga pasahero ng PNR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Alternative bus at jeep sa mga pasahero ng PNR
The operations of the Philippine National Railways (PNR) will be halted to make way for the construction of the North-South Commuter Railway (NSCR).
The STAR/Edd Gumban

Inihirit sa LTFRB

MANILA, Philippines — Makikipag ugnayan ang Philippine National Railways (PNR) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa mga maaapektuhan ng tigil operasyon ng nasabing train line na tatagal sa loob ng limang taon.

Kaugnay ito sa plano ng PNR na magkaroon ng alternatibong bus at jeep para sa ibang ruta na maipalalabas  ang LTFRB  na siyang sasalo sa mga pasahero ng PNR sa pansamantalang pagtigil ng operasyon nito.

Ayon kay PNR general manager Jeremy Regino, inaayos nila ang paglilipatan ng mga pasahero at mga alternatibong pampublikong transportasyon.

Tinitingnan umano nila ang ilang jeepney routes at posibilidad ng bus augmentation.

Ani Regino, may informal settlers din na kailangang i-relocate.

Nabatid na ititigil ng PNR ang operasyon nito ng limang taon para magbigay daan sa ginagawang North South Commuter Railway (NSCR).

Magtatayo ng mga biga, viaduct, at bagong riles sa mga lugar na apektado ng tigil operasyon. 

“Ang mangyayari po dito, pinag aaralan pa po natin kung hihinto po tayo ng operasyon Manila Calamba, or magkakaroon muna tayo ng mga partial o segmental stoppage of operations. Mauuna po ang Alabang to Calamba, at pagkatapos po nyan ay Tutuban to Alabang,” dagdag ni Regino.

Gayunman, nilinaw ni Regino na wala pang eksaktong petsa ng tigil operasyon ng PNR at ipagbi­bigay-alam sa publiko ng may dalawang buwang advance notice bago tumigil sa  operasyon ang PNR.

ALTERNATIVE

LTFRB

PNR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with