^

Metro

Mukha ng mga sekyu sa ‘missing sabungeros’, nilantad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mukha ng mga sekyu sa ‘missing sabungeros’, nilantad
Makikita sa Facebook post ng CIDG ang larawan ng mga wanted na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto G. Matillano, Jr.

MANILA, Philippines — Isinapubliko na ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang wanted poster ng anim na security guards na sinasabing sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena sa Sta. Ana, Maynila noong 2022.

Makikita sa Facebook post ng CIDG ang larawan ng mga wanted na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto G. Matillano, Jr.

Kamakalawa ay naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial  Court laban sa anim na guwardiya para sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Ang paglalabas ng wanted poster ay kasunod ng pakikipagpulong ng CIDG kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at sa pamilya ng  anim na sabungero.

Nauna nang nag alok si Remulla ng ?6 milyong pabuya para sa ika-aaresto ng anim na akusado kasunod na rin ng inilabas na warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention.

Umaasa naman si CIDG director BGen. Romeo Caramat, Jr. na  sa pamamagitan ng mga posters at sa impormasyon, mapapabilis  ang pagtunton sa pinagtataguan at agarang pagkahuli ng mga akusado.

Kabilang sa anim na sabungero sina John Claud Inonog, Marlon Baccay at kapatid na si James, Mark Joseph Velasco, Rondel Cristorum at Rowel Gomez, pawang taga-Sampaloc, Tanay, Rizal.

Ayon kay Caramat, ila­lagay ang poster sa lahat ng PNP unit, transport terminals, social media at website ng CIDG para sa kanilang  ikadarakip.

Nilinaw ni Caramat na ang insidente ng pagdukot sa Maynila ay isa lamang sa walong kaso na hawak ng Task Force Sabungero.

KIDNAPPING

PNP-CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with