^

Metro

Paninda ng vape shop,  sinalakay ng DTI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paninda ng vape shop,  sinalakay ng DTI
Photo shows a man using an electronic cigarette, also known as vape on January 27, 2022.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nanlumo ang may-ari ng isang vape shop sa Sampaloc, Maynila makaraang kumpiskahin ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang halos lahat ng kaniyang paninda dahil sa mga natagpuang paglabag sa batas sa isinagawang inspeksyon, kahapon ng umaga.

Unang nagsagawa ng inspeksyon ang DTI sa isang supermarket sa may Earnshaw Street sa Sampaloc, Maynila , kahapon ng umaga bilang pagtiyak na sumusunod ito sa itinakdang “suggested retail price” sa mga pangunahing bilihin. 

Walang nakitang paglabag ang DTI sa naturang supermarket.

Nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga katabing establisimento ang DTI at pinasok ang AD Vape Shop. 

Dito natuklasan ang mga paglabag sa Republic Act 11900 o ang Vape Regulation Act, tulad ng pagkakaroon ng flavor at mga label na makukulay o cartoons.

“In selling vape products, ang bawal those products that are flavoured. So whether its nicotine, non-nicotine products flavored siya bawal siya,” ayon kay DTI Asst. Secretary Ann Claire Cabochan.

‘Yung isa ring ba­wal yung sa design ng packaging ng vape ay very attractive to minors, ‘yung gumagamit tayo ng colors ng cartoons na nakakaengganyo sa mga minors,” dagdag niya.

Nagsasagawa nga­yon ng imbentaryo ang DTI sa mga nakumpiskang produkto habang nakatakdang pagmultahin ang may-ari ng shop ng P100,000 dahil sa unang paglabag. 

Kung magkakaroon ng ikalawa hanggang ikatlong paglabag, dito irerekomenda ng DTI ang pagpapasara nito.

VAPE

VAPE LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with