^

Metro

Batasan Hills HS, nagsuspinde ng klase dahil sa bomb threat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Batasan Hills HS, nagsuspinde ng klase dahil sa bomb threat
Picture of a man holding phone.
STAR / File

MANILA, Philippines — Napilitang magsuspinde ng klase ang Batasan Hills National High School sa Quezon City, matapos na makatanggap ng bomb threat kahapon.

Batay sa inisyal na ulat  ng Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-11:20 ng umaga nang makatanggap ng bomb threat sa kanilang Facebook account ang mga guro at estudyante ng Batasan Hills National High School, na matatagpuan sa IBP Road, Batasan Hills, QC.

Kabilang sa mga nakatanggap ng bomb threat sa kanilang FB account ay ang mga guro na sina  Aimee Layag, Joane Nagua, at ilang mga estudyante ng paaralan.

Kaagad namang ­ipinagbigay-alam ng mga guro sa kanilang principal na si Eladio H. Escolano ang natanggap na bomb threat, na siya namang nagreport nito sa mga awtoridad. 

Mabilis na rumes­ponde ang mga operatiba ng Explosive Ordnance Disposal Unit kasama ang K9 Unit.

Sa kabutihang palad, matapos na galugarin ang buong gusali ng paaralan ay wala namang natagpuang pampasabog ang mga otoridad.

Masusi nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga alagad ng batas sa naturang insidente upang mabatid kung sino ang nagpakalat ng bomb threat sa paaralan at mapanagot ito.

BOMB THREAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with