‘Utak’ sa ‘missing sabungero’, tukoy na!
MANILA, Philippines — Tukoy na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang umano’y ‘utak’ sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon kay CIDG chief Police BGen. Romeo Caramat, Jr. masusi nilang pinag-aralan ang mga anggulo ng kaso at iisa lamang ang itinuturo na may kagagawan sa pagdukot sa mga ito.
Gayunman, sinabi ni Caramat na hindi pa nila maaaring ibunyag ang pangalan ng ‘utak’ dahil kailangan maayos mga dokumento at hindi mabasura ang kaso.
“We have an idea of who but bilang primary investigating agency ng Philippine National Police ang CIDG, we don’t want na mag-file kami ng kaso na madi-dismiss lang,” ani Caramat.
Sa ngayon aniya, tinututukan nila ang pag- aresto sa ilan pang personalidad na sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero.
“And we believe that these people are the ones who orchestrated all these cases and so kapag mahuli ito, lahat ng kaso, lahat ng case na iniimbestigahan namin ay maso-solve,” dagdag pa ni Caramat.
Enero nang sampahan ng Department of Justice ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang anim katao na kinabibilangan ng tatlong pulis na sinasabing dumukot sa E-Sabong agent na si Ricardo Lasco.
- Latest