^

Metro

Sunog sa bus terminal sa Cubao, muling nagliyab

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa bus terminal sa Cubao, muling nagliyab
Workers of Araneta Fiesta Park were seen trying to salvage their props and equipment after a fourth alarm fire hit the nearby Araneta Center Bus Terminal in Quezon City on Feb. 10, 2023.
The Philippine STAR / Jesse Bustos, file

MANILA, Philippines — Ilang oras matapos ideklarang fire out, mu­ling sumiklab ang apoy sa isang tindahan sa nasunog na Araneta Bus Center Terminal sa Cubao Quezon City.

Agad napasugod ang mga bumbero ng Quezon City Fire Department sa lugar at mabilis na inapula ang apoy.

Hindi na kumalat ang apoy matapos ang mabilis na confinement ng mga pamatay sunog.

Alas-11 ng gabi noong Huwebes nang ideklarang fire out ang sunog matapos itong itaas sa Task Force Bravo.

Patuloy pa rin ang investigation ng Quezon City Fire Protection para alamin ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng nasirang ari-arian.

Samantala, pansamantalang inilagay sa Romulo Avenue ang City Bus Terminal habang ang biyahe ng provincial buses ay tuloy naman sa bagong terminal sa harap ng Ali Mall.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with