Bus terminal sa Quezon City, tinupok ng apoy

Firefighters respond to a fire that hit a commercial area along Barangay Socorro in Cubao, Quezon City on Thursday afternoon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang isang bus terminal sa Cubao, Quezon City kahapon ng hapon.

Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:46 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Araneta bus terminal na matatagpuan sa Time Square St., Brgy Soccoro, Quezon City.

Nagsimula umano ang sunog sa barracks ng terminal ng bus.

Umabot hanggang Task Force Bravo ang alarma ng sunog dakong alas-5:08. 

Wala pa rin namang naitalang nasawi o nasugatan sa sunog.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

 

Show comments