MANILA, Philippines — Pinagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tig-P10,000 pinansiyal na tulong ang nasa 160 indigent patient na kasalukuyang nagpapagamot sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa East Avenue Quezon City.
Mismong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian ang personal na nag-abot ng P10,000 bilang bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation kasabay ng anibersaryo ng naturang ospital noong Lunes.
Bukod dito, magbibigay din ng medical assistance ang DSWD sa iba pang mga nangangailangan ng medical assistance, burial, transportation at educational assistance.
Noong nakaraang taon, umabot sa 5,336, 381 ang nabigyan ng tulong ng ahensya sa ilalim ng DSWD- AICS.
Tiniyak din ng DSWD na patuloy na aalalay ang ahensya sa publiko na walang kakayahan na tustusan ang kanilang pangangailangan.