^

Metro

Panuntunan sa ekstensyon ng prangkisa ng traditional jeep, pinag-aaralan na ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Panuntunan sa ekstensyon ng prangkisa ng traditional jeep, pinag-aaralan na ng LTFRB
Drivers of traditional jeepneys wait for passengers at a terminal in Manila on Feb. 10, 2022.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Maglalabas  ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng hiwalay na panuntunan  partikular ng parameters hinggil sa pagpapalawig ng bisa ng prangkisa ng mga traditional  jeep sa bansa.

Kaugnay nito sinabi ni Joel Bolano,  pinuno ng LTFRB Technical Division, pinag-aaralan pa ng Board ang pinal na petsa kung hanggang kailan ang extension  ng franchise ng traditional jeep.

“We will just wait for the final date up to when the extension of their authority to operate will be. This will be part of the new memorandum circular that we will issue very soon,” paliwanag ni Bolano.

Ang mga driver at operator na sasailalim sa  Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ay gagabayan ng Office of the Transport Cooperative (OTC) sa kanilang paglahok sa mga kooperatiba o sa pagbuo ng sarili nilang korporasyon.

Nilinaw rin ni Bolano na  layon ng programa na dumaan sa modernization ang operasyon at ang mga uri ng unit ng mga jeep na ginagamit sa bansa.

“The objective of the PUVMP is to modernize and change the system in the transport sector, including fleet modernization or upgrading the units,” diin ni Bolano.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with