Traditional jeepney, tuloy ang biyahe
Modernization ‘di muna igigiit ng LTFRB
MANILA, Philippines — Hindi muna ipapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-phase out sa mga traditional jeepney sa mga lansangan.
Ito ang naging desisyon ng LTFRB sa isinagawang final deliberation kahapon ng ahensiya kaugnay sa planong phase out.
Ito’y matapos na i-extend uli ng LTFRB ang prangkisa ng may 25,000 traditional jeepneys sa Metro Manila na dapat ay magtatapos na sa darating na Abril ng kasalukuyang taon.
Hindi muna umano igigiit ng LTFRB ang jeepney modernization.
Dapat sana ay 2017 pa ipinatupad ng pamahalaan ang jeepney modernization subalit dahil sa apela at pakiusap ng mga driver at operators ay pansamantalang ipinagpaliban ito ng LTFRB.
Argumento ng mga driver ng traditional jeep na mas darami ang magugutom na Pinoy kung ipatutupad ng pamahalaan ang Jeepney Modernization.
Nabatid na nasa 60 percent pa lamang sa targeted units ng jeepney ang sumailalim sa modernization program habang 40% ay hindi pa.
- Latest