^

Metro

Jullebee Ranara, inilibing na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Jullebee Ranara, inilibing na
Men carry the coffin of Jullebee Ranara, a domestic helper who was killed in Kuwait, grieve during her funeral at a cemetery in Las Pinas, Metro Manila on February 5, 2023. Police recovered Ranara's burnt remains in the Kuwaiti desert and later arrested the 17-year-old son of her employers.
Jam Sta Rosa / AFP

MANILA, Philippines — Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa C5 Extension, Las Piñas City, kahapon.

Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos, nasa 20 pulis ang ipinakalat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa paglilibing kay Ranara.

Sinabi ni Santos na bukod sa 20 pulis, naka-deploy din ang mga miyembro ng local traffic enforcers at ilang mga tauhan niya ang ipinoste sa loob ng sementeryo.

Nakipaglibing din ang 2 kapatid ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinaslang din sa Kuwait noong 2018.

Ayon kay Joyce Demafelis, ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng pamilya Ranara.

“Sana mabigyan po [sila] ng hustisya agad-agad, hindi gaya sa amin, sobrang tagal po, at sana mabigyan na din po hustisya sa amin,” ani Demafelis.

Una nang nadiskubre ang sunog na bangkay ni Ranara noong Enero 22, 2023 sa isang disyerto sa Kuwait na pinaniniwalaang pinaslang matapos halayin at mabuntis umano ng 17-anyos na anak ng kaniyang amo.

JULLEBEE RANARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with