Walang tubig sa Las Piñas, Muntinlupa at iba pang lugar
Mula Pebrero 4-7
MANILA, Philippines — Ilang mga kostumer ng Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) ang makakaranas ng kawalan ng suplay ng tubig, na nagsimula kahapon at tatagal hanggang sa araw ng Martes (Peb. 7).
Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ay ang Las Piñas, Muntinlupa, Cavite, Parañaque, at Pasay City.
Ayon sa Maynilad, ang pagtaas ng raw water turbidity na dulot ng hanging amihan ang dahilan ng water interruption.
Ang water interruption sa Las Piñas ay magsisimula ng alas-9 ng February 4 (Sabado) hanggang alas-4 ng hapon, araw ng Martes, Feb. 7.
Sa Muntinlupa naman ay alas-12:01 ng hapon ng Sabado (Feb. 4) hanggang sa Feb 7 ng alas- 4 ng umaga .
Sa lugar ng Muntinlupa at sa ibang lugar na nabanggit ay mula alas-11:00 ng umaga ng Sabado (Feb. 4) hanggang sa alas- 5 ng umaga ng Martes (Feb. 7).
Bunsod nito, sinabi ng Maynilad na may mga mobile tankers sila na iikot sa mga apektadong lugar para magbigay ng malinis na tubig.
Hinikayat ng Maynilad ang mga apektadong kostumer na sa oras umano na bumalik ang suplay ng tubig ay hayaan munang dumaloy ang tubig sa gripo hanggat hindi malinaw ang tubig nito.
Humingi rin ng despensa sa mga apektadong lugar ang Maynilad dahil dito.
- Latest