^

Metro

Higit 400K pasahero, sumakay sa MRT-3 trains sa loob ng 1-araw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 400K pasahero, sumakay sa MRT-3 trains sa loob ng 1-araw
Commuters are seen boarding an MRT-3 train at North Avenue station in Quezon City on March 23 2022.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Iniulat ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na nakapagtala sila ng lampas sa 400,000 na pasahero na sumakay sa kanilang mga tren sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa MRT-3, umabot sa 400,182 pasahero ang sumakay sa kanilang mga tren nitong Pebrero 1, na siyang pinakamataas na bilang ng pasaherong sumakay ng linya simula nang magbalik-biyahe sila noong Hunyo 1, 2020.

Anang MRT-3, ang pagtaas ng bilang ng mga pasaherong nabibigyang serbisyo ng MRT-3 ay patunay ng mas pinabu­ting serbisyo ng linya at maayos na pangangalaga, rehabilitasyon ng mga bagon at subsystems nito.

“Patuloy po ang ginagawa na maayos na pagmimintina ng ating mga bagon, na natapos na nga pong lahat na isailalim sa overhauling. Makaaasa po ang publiko na higit pa pong pagbubutihin ng MRT-3 upang mas ma­rami pang pasahero ang makinabang sa maayos at abot-kayang serbisyo ng ating linya,” pahayag naman ni MRT-3 Director for Operations Engr. Oscar Bongon.

Matatandaang natapos ang malawakang rehabilitasyon ng MRT-3 noong Disyembre 2021 na nagbigay-daan upang maibalik ang highest ­operating speed ng mga tren sa 60 kph mula 30 kph.

Bumaba rin ang headway o oras sa pagitan ng mga tren sa 4-4.5 minuto mula 8-9.5 minuto tuwing peak hours habang umigsi rin ang travel time ng tren mula North ­Avenue Station hanggang Taft Avenue Station sa 30-35 minuto na lamang mula sa dating 1 oras at 15 minuto.

Tiniyak din naman ng MRT-3 na mahigpit pa rin nilang ipinatutupad sa loob ng mga tren, ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan, ang (1) palagiang pagsuot ng face mask, (2) pagbawal sa pagsalita at pakikipag-usap sa telepono, (3) pagbawal kumain, uminom at paninigarilyo, (4) pagpanatili ng maayos at sapat na ventilation sa mga PUV, (5) laging pagsagawa ng disinfection, (6) pagbawal sa pagpasakay ng pasaherong may sintomas ng CO­VID-19 sa pampublikong transportasyon, at (7) Laging pagpasunod sa panuntunan ng appropriate physical distancing.

MRT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with