Tambay timbog sa boga, droga

Kinilala ang suspek na si Vince Baning Donggon, residente ng Pasay City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 20-anyos na lalaking tambay nang mahulihan ng baril at droga sa Pasay City, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Vince Baning Donggon, residente ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang masakote ng mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Pasay City Police Station sa Tengco St., Brgy 107, Pasay City ang suspect.

Unang nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang pulisya ukol dito, kaya agad na ikinasa ang ‘Oplan Galugad’  upang beripikahin ang  sumbong.

Nadatnan ang suspek na naroon pa rin sa erya ang suspect kung saan nasabat sa kanya ang isang kalibre .38 Smith and Wesson na may apat na bala, bukod pa sa nakuha sa kanya na 5.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P36,720.

Walang naipakitang dokumento ang suspek kaugnay sa bitbit na baril  kaya inaresto siya sa paglabag sa Republic Act 10591 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa nasamsam na ilegal na droga.

Show comments