Banawe St. bilang Quezon City Chinatown, suportado ni Atayde

Sa City Ordinance No. 2453-2015 ay idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Banawe St. bilang Chinatown o tourism district ng kanilang lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Suportado ni Quezon City 1st District Congressman Juan Carlos “Arjo” Atayde ang ­inisyatibo ng pamahalaang lungsod na gawing modernong Quezon City Chinatown ang Banawe Street.

Sa City Ordinance No. 2453-2015 ay idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Banawe St. bilang Chinatown o tourism district ng kanilang lungsod.

“My city, my mayor and my colleagues are for it - and I’m simply for it too, to firmly establish the Banawe area as ­Quezon City’s Chinatown because we believe in the next few months and years to come the entire district and our entire city will benefit with this great initiative,” ani Atayde.

Ayon pa sa 32-anyos na freshman lawma­ker, ilang dekada nang nagbibigay ang Banawe community at ang iba pang negosyong itinayo ng mga Pinoy ng mas maraming job opportunities sa distrito.

Ang Chinese Horoscope para sa 2023 na Year of the Rabbit o Water

Rabbit ay kumakatawan sa kapayapaan at pagtitiyaga, habang ang water element ay nagbibigay ng inner wisdom at trusting instincts.

“Combined, the Water Rabbit indicates focusing on relationships,

diplomacy, and building bridges,” wika ni Atayde sa kanyang speech sa Banawe Chinese New Year Celebration.

Pinasalamatan ni Atayde si Mayor ­Belmonte para sa pagbuhay sa Banawe Chinese New Year’s Ce­lebration at ang mga nag-organisa sa nasabing aktibidad.

Suportado rin nina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, QC Vice-Mayor Gian Sotto, QC Association of Filipino-Chinese Businessmen president Joaquin Co at QC Chinatown Development Foundation chairman Charles Chen ang nasabing inis­yatibo.

Show comments