Mental health programs sa mga paaralan, palalakasin ng DepEd
Dahil sa mga insidente ng karahasan
MANILA, Philippines — Plano ng Department of Education (DepEd) na palakasin pa ang mental health programs sa mga iskul, kasunod na rin ng ilang karahasan na naganap mismo sa loob ng mga paaralan.
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, nais nilang matugunan ang mga naturang problema sa school level pa lamang.
“We can see from the circumstances surrounding such incidents that they are related to mental health issues,” pahayag pa nito.
“The Department commits to seek out mental health experts and advocates to be able to formulate and implement effective programs to address such issues at the school level,” dagdag pa ni Poa.
Nauna rito, isang 13-anyos na estudyante ang pinagsasaksak at napatay ng kanyang 15-anyos na kaklase sa labas ng kanilang silid-aralan sa Culiat High School sa Quezon City. Ang mga guro at mga estudyante sa naturang paaralan ay isinailalim na ng DepEd- National Capital Region sa stress debriefing sessions.
Noong Disyembre 2 naman, dalawang estudyante ng Colegio San Agustin sa Makati City ang nasangkot sa gulo sa loob ng palikuran ng campus habang kahapon lamang naman, nabaril ng isang 12-anyos na estudyante ang kanyang sarili sa loob ng paaralan sa Bulacan, matapos na bitbitin sa paaralan ang baril ng kanyang ama.
- Latest