^

Metro

Problema sa basura sa Parañaque, patapos na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na malapit nang matapos ang problema sa basura sa lungsod sa pagpapaigting ng paghahakot ng bagong garbage contractor sa iba’t- ibang barangay.

Iniulat ni Olivarez na sa 16 na barangay sa siyudad, 10 barangay na ang nag-certify na 100% nahakot na ang kanilang basura, ang iba ay nasa 90% na, habang isang barangay na lamang ang nag-ulat na 70% ng kanilang basura ang nahakot.

“We are on top of the situation,” ayon kay Olivarez. “Kaya nga po lubos ang pasalamat natin sa ating barangay officials sa kanilang patuloy na pakikiisa at suporta.

At makaaasa po ang ating mga mamamayan na ginagawa natin ang lahat upang hindi lumaki ang problema,” dagdag niya.
Ipinaliwanag ng alkalde na nagtapos ang kontrata ng dati nilang hauling contractor nitong Disyembre 31, 2022 at hindi na nag-bid. 

Dahil dito, napalitan ang contractor ngunit dito sumalubong ang napakaraming problema sa basura. “Noon pong around Christmas, or as early as December 12, meron na pong natatanggap na reklamo ang ating City Environment and Natural Resources na meron nang mga tambak ng basurang hindi nahahakot. Dumami lalo ang tambak noong Pasko, hanggang noong Bagong Taon,” saad ni Olivarez.

Resulta ito ng maagang pag-pull out umano ng mga garbage truck ng dating contractor kaya nagsimulang tumambak ang mga basura. 

Nang pumasok ang bagong contractor nitong Enero 1, lumaki na ang problema at naghabol sa backlog ang bagong hauler.
“Nalaman din po natin na nagkaroon ng problema sa aming garbage transfer station dahil wala nang tubig at kuryente noong dumating ang bagong contractor. Pati ‘yung sewage treatment plant o STP ay sira rin, kaya sinulatan natin ang dating contractor para magpaliwanag,” saad pa ng alkalde.

Nakiusap din si Olivarez sa mga pasaway na sumunod sa takdang oras at araw ng pagtatapon ng basura para hindi ito tumambak sa kalsada at para maging malinis ang kapaligiran.

EDWIN OLIVAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with