^

Metro

Sandra Cam, anak, 5 pa absuwelto sa murder

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sandra Cam, anak, 5 pa absuwelto sa murder
Sa kautusan ni Manila RTC Branch 42 Judge Dinah Aguila-Topacio, absuwelto rin sa kaso sina Marco Martin Cam, at 5 iba pa dahil sa kabiguan ng prosekyusyon na patunayan nagkasala ang mga akusado ‘beyond reasonable doubt’.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinawalang-sala ng Manila Regional Trial Court nitong Lunes si dating Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam , ang kaniyang anak na lalaki at limang iba pa kaugnay sa kasong murder kay  Ba­tuan, Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Sa kautusan ni Manila RTC Branch 42 Judge Dinah Aguila-Topacio, absuwelto rin sa kaso sina Marco Martin Cam, at 5 iba pa dahil sa kabiguan ng prosekyusyon na patunayan nagkasala ang mga akusado ‘beyond reasonable doubt’.

Matatandaang noong Oktubre 9,  2019, nang barilin at mapatay si Yuson ng ilang kalalakihan na sakay ng van habang ang una ay nag-aalmu­sal sa isang karinderya sa Sampaloc, Maynila.

Sugatan din sa insidente, ang dalawang kasama ng bise-alkalde na kinilalang sina Wilfredo Pineda, 44, at  Alberto Alforte, 23 .

Tahasang itinuro ni Lalaine Yuson, maybahay ng napaslang, ang mag-inang Cam, matapos umanong matalo  ng anak na si Charmax Jan Yuson si Marco Martin Cam noong  May 2019 mayoral election sa Batuan.

Hinihintay na lamang umano ang kopya ng desisyon ng kampo ni Cam, ani Atty. Buenaventura Miranda, para mapalaya na ang kliyente.

Sa panig naman ni Mayor Charmax Jan Yuson na nadismaya sila sa desisyon, nakatakda silang maghain ng motion for reconsi­deration.  

 

SANDRA CAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with