^

Metro

Rider, nawalan ng kontrol sa motorsiklo; nasagasaan ng kasunod na SUV, patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rider, nawalan ng kontrol sa motorsiklo; nasagasaan ng kasunod na SUV, patay!
Dead-on-the-spot ang biktimang si Brylle Aldred Eulalio, 28, call center agent at residente ng Diamond St., Payatas B, QC dahil sa tinamong pinsala sa ulo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo at minalas na masagasaan pa sa ulo ng kasunod na sports utility vehicle (SUV) sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Brylle Aldred Eulalio, 28, call center agent at residente ng Diamond St., Payatas B, QC dahil sa tinamong pinsala sa ulo.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Gian Paolo Unlayao Germina, 25, ng Kamias, Kamuning, QC.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5 na dakong alas-9:20 ng gabi nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng IBP Road malapit sa DSWD Building, sa Brgy. Payatas, QC.

Ayon kay PEMS Rosalina Rebutido, kapwa binabaybay ng biktima sakay ng Honda Wave MC at ng suspek na lulan naman ng Mitsubishi Xpander, ang kahabaan ng IBP Road, mula Batasan Hills patungong Commonwealth Avenue.

Gayunman, pagsapit sa nasabing lugar ay nawalan umano ng kontrol sa minamanehong motorsiklo ang biktima sanhi upang sumemplang ito at bumagsak sa sementadong kalsada.

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nagawang makapagpreno at hindi na rin naiwasan ni Germina ang biktima at nasagasaan ang ulo nito.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng mga otoridad at nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide sa piskalya.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with