MANILA, Philippines — Inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang “top performing officials” sa bansa mula sa 148 City Mayors, 253 District Representatives, at 81 Governors para sa taong 2022.
Sa pagka-alkalde, si Quezon City Mayor Joy Belmonte, na ang performance rating ay pinakamataas sa 95%, ay ang nangungunang City Mayor sa Pilipinas. Nasa ikalawang puwesto naman sina Candon City Mayor Eric Singson at Mandaue City Mayor Jonas Cortes na may magkaparehong 94 percent approval rating.
Kasunod sina Arlene Arcillas 88% (Sta. Rosa), Benjamin Magalong 86% (Baguio), Nacional Mercado 85% (Maasin), Lucy Torres Gomez 85% (Ormoc), Jerry Trenas 83% (Iloilo), Art Robes 82% (SJDM), Geraldine Rosal 81% (Legazpi), Indy Oaminal 80% (Ozamiz), Ronnie Lagnada 78% (Butuan), Baste Duterte 77 (Davao), Sammy Co 75% (Pagadian), Darel Uy 75% (Dipolog), Lorelie Pacquiao 73% (GenSan), Marilou Morillo 72% (Calapan), at Bruce Matabalao 70% (Cotabato).
Samantala sa Top Performing District Representatives, sina Gloria Macapagal Arroyo ng Pampanga at Ramon Jolo Revilla III ng Cavite ay nakatanggap ng 95% job satisfaction ratings.
Si Duke Frasco at Pablo John Garcia ng Cebu ay may 94% performance score. Kirstine Meehan-Singson ng Ilocos Sur, Sandro Marcos ng Ilocos Norte at Toby Tiangco ng Navotas ay may 93% assessment points.
Kasunod sina Lorenz Defensor ng Iloilo (92%), Joey Salceda ng Albay (90%), Gerry Espina Jr. ng Biliran (90%), Ando Oaminal ng MisOcc (90%), Adrian Amatong ng ZaNorte (88%), Claude Bautista ng Davao Occ. (87%), Eric Yap ng Benguet (87%), Eddiebong Plaza ng Agusan Sur (86%), Baby Aline Alfonso ng Cagayan (86%), Ton Acharon ng GenSan (84%), at Zia Alonto Adiong ng Lanao Sur (78%).
Ang Top Performing Governors naman ay pinangunahan ni Dax Cua ng Quirino Province na may 91% rating. Gwen Garcia (Cebu) at Matthew Marcos Manotoc (Ilocos Norte) ay may 90% score. Jonvic Remulla (Cavite) at Dodo Mandanas (Batangas) ay tabla sa 89%. Susan Yap ng Tarlac nakakuha ng 87%.
Kasunod sina Peter Unabia 85% (MisOr), Henry Oaminal 85% (MisOcc), Sharee Ann Tan 83% (Samar), Edwin Jubahib 82% (Davao Norte), Ma. Angelica Amante 81% (Agusan Norte), Antonio Kho 80% (Masbate), Bonz Dolor 78% (Oriental Mindoro), Nene Jalosjos 76% (ZaNorte), Lala Taliño-Mendoza 74% (Cotabato), Bombit Adiong Jr. 72% (Lanao Sur) at Melchor Diclas 70% (Benguet).