Mosyon ni Cornejo na bawiin ang piyansa ni Navarro, tinabla ng korte

Composite image of Deniece Cornejo and Vhong Navarro.
The STAR / Jesse Bustos, file

MANILA, Philippines — Tinabla ng Taguig court ang kahilingan ng modelong si Denice Cornejo na bawiin ang kautusan na nagpahintulot ng piyansa sa aktor na si Vhong Navarro para sa kasong rape.

Sa 3-pahinang kautusan, ibinasura ni Taguig Regional Trial Court Branch 69 Presi­ding Judge Loralie Datahan ang mosyon ni Cornejo dahil sa kawalan ng merito. Ayon sa korte, wala umanong ‘conformity’ sa Office of the City Prosecutor ng Taguig City ang inihaing mosyon.

“In this case, there is no conformity from the public prosecutor. This circumstance was not denied by the private respondent. Private respondent merely claimed that the Office of the Prosecutor did not object to the filing of the Motion to Reconsider,” saad sa kautusan ng korte.

Matatandaang noong nakalipas na buwan, (Disyembre) nang payagan ng korte na magpiyansa si Navarro ng P1-milyon para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Show comments