^

Metro

Kahit walang Traslacion, mga deboto ng Nazareno kuntento sa selebrasyon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kahit walang Traslacion, mga deboto ng Nazareno kuntento sa selebrasyon
Thick crowd during a mass celebration of the Feast of the Black Nazarene held outside the Quiapo Church on January 8, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kahit na wala pa rin ang tradisyunal na Traslacion sa ikatlong taon, karamihan ng mga deboto ay kuntento pa rin dahil sa pagkakaroon na ng mga selebrasyon para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong panahon ng pandemya.

Sa ginanap na Misa Mayor sa Quirino Grandstand, sinabi ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na batid niyang nalulungkot ang mga deboto dahil sa hindi pa rin naidaraos ang Traslacion sa pangatlong taon na ngayon.

“Ang Traslacion ay hindi lang taun-taon kundi araw-araw na karanasan sapagkat ang Mahal na Poong Hesus Nazareno ang Siyang nagpuprusisyon sa atin. Kaisa natin Siya upang makapag-Traslacion patungo sa tagumpay ng kaganapan ng buhay,” saad ni Cardinal Advincula.

Ang Traslacion ay ginaganap bawat taon para alalahanin ang paglilipat ng imahen ng Itim na Nazareno mula Intramuros hanggang sa Quiapo Church noong 1767.  Dinadaluhan ito ng hanggang tatlong milyong mga deboto, ngunit nakansela noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero marami naman sa mga deboto ay masaya na rin dahil sa natuloy ang Pista. Makaraan ang misa, pumila na ang mga deboto para sa ‘Pagpupugay’ o paghawak sa bahagi ng imahe ng Nazareno, na siyang ipinalit muna sa ‘Pahalik’.

Nagkaroon naman ng oras-oras na misa sa ­Quiapo Church kahapon at ang panghuli ay ang pang-alas-11 ng gabi na misa na magtatapos ng alas-12 ng hatinggabi.

Dahil sa limitadong espasyo sa simbahan, marami ang nagkasya na lamang na makinig sa mga speakers na nakalagay sa labas ng simbahan sa Plaza Miranda at sa mga LED screens sa ilang lugar.

TRASLACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with