^

Metro

LTO enforcers, ‘wag suhulan - Tugade

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LTO enforcers, ‘wag suhulan - Tugade
File photo of LTO traffic enforcers.
PHILIPPINE STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Umaapela ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko na huwag bigyan o iwasang suhulan  ang mga traffic enforcers na nanghuhuli dahil sa road safety violation.

 Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Jose Arturo ‘Jay Art’ Tugade, dapat kilalanin ng publiko ang mga traffic enfor­cers na tumutupad sa kanilang tungkulin.

“Offering bribes to our law enforcers will not get you anywhere and will Make things worse. Wala pong tiwali kung walang mag-uudyok na ma­ging tiwali. Magtulungan po tayo.”_ pahayag ni Tugade.

Ginawa ni Tugade ang pahayag matapos mahuli ng LTO Region 5 law enforcement officers sa Sorsogon City  ang isang drayber na nagtangkang manuhol ng enforcers.

Nabatid na nagsagawa ng “Oplan Ligtas Biyaheng Pasko 2022” ang mga enforcer sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Guinlajon, Sorsogon City nang mapansin nina  LTO enforcers Rey Alvin Belgica, Wilfredo Macapagal Jr., Ferdinand Sta Ana Jr., at Gregory Jim Monforte ang isang Toyota Hi-Ace.

Susuriin sana ng LTO enforcers ang lisensya ng drayber at registration ng sasakyan.

Nabuking na pumapasada pala ang drayber at may sakay na 17 pasahero.

Galing sa Cubao, Quezon City ang van at patungo sana ng Northern Samar.

Nagulat na lamang ang mga enforcer nang singitan ng drayber ng P3,000 ang lisensya bilang panuhol para hindi mahuli dahil sa pagiging kolorum.

“The entire LTO and myself laud the actions of our noble traffic enforcers for refusing to accept the alleged bribery attempt, for standing firm in enforcing the law and not be tempted by acts of corruption. They are exceptional public servants that should be emulated by everyone,” pahayag ni Tugade.

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with