Operasyon ng MRT-3, balik-normal na ngayong Martes
MANILA, Philippines — Balik-normal na ngayong araw, Enero 3, ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ito ay matapos na magpatupad ng adjusted operating hours nitong katatapos na Pasko at Bagong Taon.
Sa abiso ng MRT-3, nabatid na aalis ang unang biyahe ng tren mula sa North Avenue Station sa Quezon City, ganap na alas-4:36 ng madaling araw habang alas-5:18 naman ng madaling araw bibiyahe ang unang tren na mula sa Taft Avenue station, sa Pasay City.
Samantala, ang huling biyahe naman ng tren ay aalis ng alas-9:30 ng gabi mula sa North Avenue station, at alas-10:11 ng gabi mula sa Taft Avenue station.
Kaugnay nito, nagpaalala naman ang MRT-3 na patuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad nila ng health and safety protocols sa buong linya.
Iiral pa rin anila ang tinatawag na “7 Commandments” upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang mga commuters.
- Latest