MANILA, Philippines — Namahagi ang pamahalaang lungsod ng Parañaque ng Noche Buena food packs sa 3,873 pamilyang may malnourished na mga bata sa kanilang mga kabahayan.
Ayon kay City Nutrition Office officer-in-charge Dr. Mercy Bunao, ang pamamahagi ng Noche Buena food packs sa mga batang malnourished ay inisyatiba ng asawa ni Mayor Eric Olivarez na si Aileen Olivarez, na siya ring City Nutrition Action Officer.
Ang pamamahagi ay ginawa sa pakikipag-ugnayan sa General Services Office, Special Services Office, Urban Mission Areas Development Office at Barangay Nutrition Scholars ng lungsod.
“We have a lot of malnourished children in the city and the situation was made worse by the pandemic,” ani Mrs. Olivarez.
“That is why we made it a priority to include families with malnourished children in the distribution of our Noche Buena food packs,” ani Bunao.
Ipinaliwanag ni Bunao na ang mga kaso ng malnutrisyon ay nauuri bilang alinman sa severe acute malnutrition (SAM) o moderate acute malnutrition (MAM), at sila ay regular na tinatarget para sa nutrition intervention lalo na sa panahon ng pandemya.
May kabuuang 373 food packs ang ipinamahagi sa buong lungsod sa mga sambahayan na may mga kaso ng SAM, habang ang mas malaking bahagi ng 3,500 food packs ay naihatid sa mga sambahayan na may mga kaso ng MAM.