Sunog sa Quiapo: 6 patay
MANILA, Philippines — Anim na katao ang natusta sa naganap na sunog na tumupok din sa nasa 50 kabahayan sa isang residential area sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Hindi na makilala dahil sa matinding pagkasunog ang mga biktimang nakilalang sina Cheska Celine Perito, 12 at kakambal nitong si Cheska Camille ; ang pinsan nilang si Ronan Cyrus Cayetano, 7 at mga magulang na sina Jofemie Porio at Rul Daniel Cayetano at Rolando Briones,63.
Nagsimula ang sunog dakong alas-2:34 ng madaling araw sa tatlong palapag na bahay na yari sa light materials sa Arlegui St., Quiapo.
Sinasabing nasa kahimbingan ng tulog ang mga biktima nang sumiklab ang apoy. At dahil gawa sa light materials ang bahay ay mabilis na kumalat ang sunog na naapula pagsapit ng alas- 8:10 ng umaga.
Nadamay din sa sunog ang bahagi ng barangay hall ng Brgy. 387 at daycare center nito.
Sinikap pa umanong masagip ang mga biktima subalit bigo sila dahil sa pag-collapse ng bahay na yari at pagsabog umano ng liquified petroleum gas.
Hindi pa naglalabas ng opisyal na report ang Bureau of Fire Protection na patuloy pa sa masusing imbestigasyon sa naganap na sunog.
Umalalay na rin ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Re Fugoso, hepe ng Manila Social Welfare and Development para sa ipagkakaloob na pagkain at relief goods.
Ilang pamilya ng nasunugan ang tumuloy na sa kalapit na covered court.
- Latest