MANILA, Philippines — Ipapatupad ng Metro Pacific Tollways (MPT) South ang “Safe Trip Mo, Sagot Ko,” ang assistance program para sa mga motorista sa Enero 1-2, 2023.
Ang “Safe Trip Mo, Sagot Ko” na programa ng tulong para sa Cavitex at C5 Link ay gagawin sa pakikipagtulungan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa pamamagitan ng operating subsidiary nito, ang PEA Tollways Corporation.
Magsisimula ang assistance program mula alas- 6:00 ng umaga ng Enero 1, 2023 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 2, 2023,
Sa ilalim ng programa, ang towing service para sa Class I na sasakyan ay libre hanggang sa pinakamalapit na labasan.
Ang customer service ay gagana nang 24/7, kabilang ang emergency medical service.
Ang MPT South ay magkakaroon pa ng karagdagang pwersa para tumulong sa RFID lane, ambulant tellers sa cash lane, at traffic operations personnel.
Sususpindehin din ang mga construction work sa kahabaan ng main line maliban sa emergency repairs.