Singil sa tubig, nakaambang tumaas sa Enero
MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng pagtaas sa singil sa tubig sa Enero ng susunod na taon dulot ng environmental charge na binabayaran ng mga customer.
Ayon kay Jeric Sevilla, spokesperson ng Manila Water ang environmental charge ang magpapalaki ng bayarin sa tubig ng customer.
“For example, kung 20 cubic meters ang kunsumo, ang 25 percent dun sa basic charge na nasa P300 plus nasa P82 ang environmental charge,” pahayag ni Sevilla.
Sinasabing mananatili naman sa 20 percent ang environmental charge ng Maynilad pero lalaki pa rin ang bill dahil tataas din ang basic charge dito.
Ang kinukuhang environmental charge sa mga customer ay ginagamit naman sa paglilinis ng poso negro ng bahay ng mga water customer, watershed management at waste water.
Niliwanag naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty na tinaasan ng Manila Water ang environmental charge sa mga customer dahil mas malaki na ang kanilang sewered lines.
- Latest