Bentahan online ng lechon, mas lumakas

‘Lechoneros’ prepare big batches of roasted pigs, locally known as ‘lechon,’ in La Loma Quezon City on December 17, 2022.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines —  Mas dumami ang bumibili ng lechon sa La Loma, Quezon City sa pamamagitan ng online kumpara sa mga kostumer na personal na nagpupunta sa mga tindahan sa naturang lugar.

Sinabi ni Ramon Ferreros, Presidente ng La Loma  Lechoneros Association na sa  100 order ng lechon o may 70 percent ay bumibili gamit ang online at may 30 percent lamang ng mga customers ang nagpupunta ng tindahan para bumili.

Umaasa naman si  Ferreros na ngayong holiday season ay makabenta sila ng lechon ng may  300 piraso kada araw.

“Lumakas ang online because of the pandemic, na-discover natin ‘yung social media ‘yung online market,”sabi ni Ferreros.

Tiniyak naman ni Ferreros  sa publiko na may kalidad ang gawa nilang lechon dahil sa pagtupad nila sa  health at safety standards  na itinakda ng lokal na pamahalaan ng QC.

Anya may pagtaas ang halaga ng lechon ngayong holiday season dahil sa tumaas na halaga ng farmgate at tumaas na sahod ng mga empleyado.

Ang  lechon  na may timbang na 6 hanggang 7 kilo ay mabibili ng  P9,000 mula sa dating halaga na  P7,500 at ang  lechon na may timbang na mahigit sa  20 kilo ay mabibili sa hanggang  P17,500.

Show comments